5/18/2023 0 Comments Sino ang bumuo ng abakada![]() Walang puwang o bantas ang baybayin, maliban nalang sa dalawang linya ( || ), kunf saan pwedeng gamitin ang kuwit, tuldok, at paghinto para ihambing ang dalawang salita na pwedeng kapareho ng ibang mga salita (Morrow 2010). Sinusulat ang Baybayin sa kaliwa hanggang kanan, at saka sa tuktok hanggang sa ilalim. Mayroon ding patinig na nag-iisa, nilalagay ang mga ito sa harapan ng salita o pantig. Sa itaas ng titik, inilalagay ang “e o i” ( pwedeng ke o ki), at saka sa baba ng titik nakalagay ang “o o u” ( pwedeng ko o ku) (Morrow 2010). Mayroong dalawang patinig sa bawat isang posisyon sa kudlit. ![]() Pwedeng idagdag ang kudlit sa itaas o sa ibaba ng isang titik. Bawat isang titik ay may A sa patinig, pero pwedeng baguhin ang patinig sa pagdadagdag ng isang tanda na tinatawag na ” kudlit” (Morrow 2010). Halimbawa, ginawa ang ”ka” ng, hindi lang k o a. Ang ibig sabihin nito ay mayroong isang katinig at isang patinig sa bawat isang titik sa iskrip. Ang ibig sabihin ng “Baybayin” ay isang coastline sa dagat o alpabeto, galing ito sa salitang ugat na “baybay” o “to trace.” Hindi alpabeto ang Baybayin, pero kagaya ng ibang iskrip sa timog-silangang asya, Abugida ang Baybayin (“Tagalog” n.d.).
0 Comments
Leave a Reply. |